last of summer. *babay buhai pensi0nada!*
hahaii. klase na naman bukas. at sa makalawa. at sa susunod na araw. at sa mga susunod pang araw. at sa susunod na linggo. at sa susunod na buwan. waaahh! klase na naman! simula bukas, araw-araw ko na namang dadaanan ang falcatan drive. pagsasawaan ko na naman ang mga mukha ng mga teachers kong mababaet pero katakot-takot magbigay ng assignments at tests. harutan to the max na naman kame ng klasmeyts kong baliw. full blast ingay at lagim na naman ang hatid ng batch_i8o7! bwahahahahahahahaha *nabilaukan* haha. corny. =]
ganon siguro noon. ewan ko na lang ngayon. eh kase 4th year na kame eh. malamang karamihan sa amin gusto nang magbagong-buhay. in other words, mag-seryoso. and yeah..kasali ako sa mga yon. hindi naman sa slacker ako, or what. pero last year kase, i admit na medyo nagpabaya ako sa studies ko. pero this year, isusubsob ko na talaga sarili ko sa pag-aaral - mark my word. sayang kase lahat ng hirap ng parents at kuya ko diba? [naks!] chaka siguro mas naging determinado ako dahil don sa nawala kong cellphone at wallet. di nio alam ang tungkol don?
andon kasi sa wallet na yun ang pang-enroll ko [php 6 500] plus some extra money. tas habang ginagawa ko yung requirement para ma-clear na ako, meh taong kumuha. tas pati cp ko pinagtripan na ren. kea yon, disappear! tsk tsk. eh di ko masabi sa parents ko. takot ko lang! kea si kuya na lang kinausap ko. sia nag-sponsor ng enrollment. sana pati phone na ren...*binatukan ng kuya ko sa imagination ko. asa!*
so going back, yon. di ko sasayangin ang 12 989.38 na ginastos nila saken. pagbubutihin ko talaga this year. di na ren ako maglalakwacha. [pero di naman talaga ako mahilig don. homebody ako eh.] magsisipag na ako. shet! kea ko kea 'to?! pero kelangan den eh. para naman matanggap ako sa silliman university. yon lang kase ang ticket ko paalis ng zamboanga eh. hehe. mars, snap back to reality. first day of school pa lang bukas. meh isang taon pa para pagpantasyahan ang independence. haha.
o sia sia. mag-aayos pa 'ko ng gamet, kakaen [di pa ako nag-dinner. gutom!], at matutulog. di naman sa maaga ako bukas, pero gusto ko lang maging ready. kina-career?! haha.
aii! sana maka-post ako dito nang madalas. sayang naman kung empty 'to diba? di bale, hahanap ako ng paraan makapiling lang ang bagong blog ko. ngak! =]
ingat sa lahat! God bless! mats lab en pis! v(^.^)v
singit :: dumating na ang bagong aso namen! nano [sosyal na pag-pronounce] ang name nia at pekingese den sia tulad ni jaya [sila lang ang pure pekingese sa buong zamboanga. bwahaha!]. ang kyut nia talaga! hihi. bale sampu na aso namen ngayon. wag keong mag-alala. one of these days pati kame magiging aso na ren. nyaha! later na 'ko mag-u-upload ng pix. :)
<< Home